Tawanan!

MYSTERIOUS LANGUAGE I HAVE SEEN

Habang ako ay nagse-surf sa Internet about sa mga bagay-bagay, I came accross with a particular site where gay lingos are being used. I tried to read some of the lines there and could hardly understand what they meant. Here is one of the excerpts I got from a site. (Here is the source)

Tom Jones ang mga bekla kaya gora ever sa mall para lumafang. Una nilang jonta ang nyudkort, kaya lang maraming utaw. Go naman sa Nyorbaks, kaya lang can’t afford pala ang drama ng iba. Sey nga ni Kimberly, Mahalia Mendez daw ng kape, juwi na lang siya later para mag-Nescafe. Warla ngayon si Georgette, ang Rica Boom Boom ng federasyon. Tom Cruise na talaga siya’t wai na patience, kaya shuwag ever siya sa kanyang chimini ah ah. “Yaya, dalhin mo ditech ang anda,” sey ng bakla.

And the translation of the above except is as follows:
“The gays are very hungry so they went to the mall to eat. First they went to the food court, but there’s a lot of people. Then they went to Starbucks but most of them can’t afford the price. Kimberly said that coffee is expensive, that’s why she’ll just drink Nescafe at home. Georgette is not present, the prettiest of all gay. She was too hungry and was very impatient that’s why she called her maid. “Yaya, bring the food here” says the gay.”

And because I am interested with spoken and written languages, I kinda sort of thought of trying to create one myself. I will try to create a language that shall be a a combination of Tagalog + Spanish + Japanese + gay-style-decorations on these words.

The following is a self-created article about this new language I created. A mixture of several languages with a touch of a gay-style decorations on the words. The paragraph below reads:

Goings ang watashi was isang kofi-ya sa amiga ng aketching amigang mujer. Lola! Todo sabroso ang kofi nilathee. Pidimos mo ang watashi por que delicioso ang savor ng kofi. Wow! Trulyly, going to the loop ever aketchee sa kofi-ya na esteshee. Naka tres cupooshee ata ang onna por que todo oishii ang pag nomu koitchee.

And this shall be the translation:

I went to the coffee shop of my friend’s girl friend. Geez! Their coffee was so delicious! I once again asked for this coffee because it tasted so good. Wow! True enough, I will be going back to this coffee shop. I had 3 cups because the coffee tasted so deliciously and my drinking was beyond satisfaction.

Hahahaha. I had bean-sized sweat when doing this one. Hahahaha. Have a great day ahead of you guys!

NOONG DEKADA ’80-’90

Ito ang mga huling taon ng dekada ’80 at ang mga unang taon ng dekada ’90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista,hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero ‘di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pa’no mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you’re one of us.

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (Isang kendi na lasang champoy!).

3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo – pa’no sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga-Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang “Kool 106, Kool 106”, hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng “Shake-Shake Shampoo”, “Monkey-Monkey-Annabelle”, “prikidam 123”, “Langit-Lupa-Impyerno”, “Datchbol” (Dodgeball), “Syato”, “Luksong-Tinik”, “Luksong-Baka”, “10-20” at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga-MILO sa school niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (At nagtaka
ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (Mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (Mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang pwet.). Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian na!” na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.
10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng Brick Game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang “text” noon ay mga 1″x1.5″ na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si “Hulk Hogan” at si “Ultimate Warrior”. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si “Andre d’ Giant” dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa’yong tanga sa saliw na kantang “Ice Ice Baby”, “Wiggle It”, “Pray” at “Can’t Touch This.”

14. Hindi ka gaanong mahilig sa “That’s Entertainment” at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (At badtrip ka sa Wednesday group dahil pinaka-baduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na, Eraserheads. (At aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain. (1st and 2nd generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong “Mighty Kid

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si “G.I. JOE” with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you’re girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walo ang tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng “Cedie”, “Sarah, ang munting prinsesa”, at “Dog of Flanders” a.k.a. “Nelo“. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang ‘di yumaman at namatay pa ng maaga?)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!

23. Alam mo din ang ibig sabihin ng “PERIOD NO ERASE!

24. For girls: Malamang nag-away na kayo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at G-Mik! (Jologs na kung jologs, pero totoo!)

25. Madalas kang bumili ng “Wonder Boy” sa iyong suking tindahan.

26. Nilalagyan mo ng Pritos ring ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.

27. Binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kotseng kuba tapos magtataas ka ng peace sign.

28. At minsan, yung linyang “PERIOD NO ERASE” ay may dagdag pang “AKIN PADLOCK, AKIN SUSI” (Eh ‘di sayo!)

29. Noon: For little girls, hindi ka “in” pag wla kang pencil case na maraming pindutan at maraming lalagyan ng lapis at kung ano ano pa…

30. Noon: For boys and girls, specially sa barkada, “Hook na hook” kayo sa “X-Men” at nagrorole play kayo at claiming na kayo si “Storm“, o kaya si “Cyclops“, etc.

31. Noon: Wala ka sa “Fashion” pag wala kang “Pop Swatch” (Your own personal wall clock at your wrist)

32. Kabisado mo ang 3:00 prayer dahil napapanood mo ito tuwing hapon, at kabisado mo din pati ung “We have just as one nation started the beautiful 3:00 habit…we hope that this becomes a daily habit with you…”

Bakit kaya ganon? Kahit saan lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga binanggit dito. Siguro’y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpi-piliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsadaย  o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito.

…Masarap alalahanin at balik-balikan. ‘Di ba?

MGA ALAALA…

Nung ikaw ay bata… nagawa mo ba to?–

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy
bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay
ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at
di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso,
langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer
or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,
right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London,
Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at
pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala
mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little
pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z,
daimos, he-man at
marami pang cartoons na hindi pa
translated sa tagalog?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na
talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo
magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna…
nung high school ka inaabangan mo lagi beverly
hills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang
bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae
ka at meron kang sapatos na mighty kid kung
lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at
mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang
malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit
girls?e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo
makakalimutan ang time space warp chant?

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect
strangers?

*eto malupet… six digits! lang ba ang phone
number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3
bentesingko lang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo
ang song na “eh kasi bata”?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh
nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan
ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming
compartments na pinagyayabang mo sa mga
kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun
Factory?

*alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at
“alagang-alaga namin si puti”?

*alam mo ang kantang “gloria labandera”..
lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa
at ang “1, 2, 3, asawa ni marie”… hehehehehe?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at
nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at
yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat
talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong…
diba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera
yung batang umakyat ng puno para bumili ng
panty… and shempre, alam mo rin ba kung ano
binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na
alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag
pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble
gum… tira-tira, at yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal?

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno
tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa…
at sanay ka tawagin ang porni as BOLD?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla
magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA
NG 25 YEARS OLD… KAPAG HALOS LAHAT
ALAM MO, NASA 23-25 KA…

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA
LANG… DIBA .75CENTAVOS PA LANG
PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP
ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN
DEW? HAHAHAHAH

25 thoughts on “Tawanan!

  1. hehehehehe….
    seems mas matanda ako sa huling part… kasi ang inabutan kong pamasahe is .50 centavos.
    pambihira, talaga palang matanda na ako.
    but the truth is, the life on those days are so simple, very very simple.
    kaya maraming nakaka-relate kasi walang complications.

  2. AYOS! NAALALA KO YUNG KABATAAN KO ANG SARAP DIN BALIKAN NAKAKATUWA KC PARANG WALA KAPANG PROBLEMA, MAKULIT, MASAYA AT NAGING MEANINGFUL NANG MAANIB AQ SA IGLESIA GRABE NAKAKATUWA…………

  3. Yeah… don’t you wish these were as simple as that? Hehehe. At those times, Internet, computers, PSPs, MP4s, MP3s and cellphones are not yet in the trend – and we were happy. But of course, we are happier since we are in the Church, as co-workers of GOD. ๐Ÿ™‚

    Gracias a DIOS.

  4. hahah napasaya ako nito ah!! naalala ko yung simpleng buhay ko nuon, naglalaro ng patintero tsaka moro moro pag brownout! basta masaya nuon!! nakakamiss pala yun!

      1. kampi kampihan kami nun.. at kakampi ko lagi yung crush ko hahah chubby pero cute .. pinatawa mo ako dito..

  5. this looks familiar.. is this an excerpt from one of bob ong’s books? ๐Ÿ™‚ i’m just not sure which particular book.. ๐Ÿ™‚

  6. Pingback: Homepage
  7. sinasabayan mo si mask rider black pag nagtratransform n xa,,sabay sigaw with action ng,,mask rider black! hahahhaha…sarap balikan talaga ang 80’s at 90’s

  8. This post is very interesting but I see that you are not using
    the full earning potential of your page. You can earn pretty
    good promoting products related to health and beauty niche, don’t waste your traffic, just
    search in google:
    Polym’s earning ideas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s